^

PM Sports

Isang laban pa si Pacquiao? Na-extend sa 2017 ang kontrata sa Top Rank

AC - Pang-masa

NEW YORK CITY – Hanggang sa katapusan na lamang ng 2016 ang kontrata ni Manny Pacquiao sa Top Rank, ngunit dahil sa inactivity bunga ng kanyang injury, ito ay pinalawig hanggang sa kalagitnaan ng 2017.

“It was extended to the period he was injured,” wika ni Top Rank chief Bob Arum.

Hindi pa lumalaban si Pacquiao matapos noong Mayo ng nakaraang taon kuyng saan siya natalo kay Floyd Mayweather, Jr. via unanimous decision at operahan ang kanyang kanang balikat.

Dapat sana siyang lumaban ng dalawang beses ngayong taon. Ngunit hindi niya ito magawa.

Kung magreretiro na si Pacquiao matapos ang kanilang April 9 match ni Timothy Bradley, paano ang kanyang kontrata?

Sinabi ni Arum na kung magreretiro man si Pacquiao matapos ang laban kay Bradley ay hindi nila ito hahabulin.

“If he retires, he retires,” sabi ng 84-anyos na promoter. “A boxer or an athlete can retire when he wants retire. He has no obligation to me to continue fighting.”

Hindi niya pipigilan si Pacquiao, kumakandidato para sa isang senatorial seat.

“We wish him well. I wish him well,” wika ni Arum sa Crystal Ballroom ng Beverly Hills Hotel noong Martes.

“It’s not like he’s breaking his contract and fighting for another promoter. But if he wants to fight after this fight, he can fight and I will promote him,” dagdag pa ni Arum.

Bago sumama sa Top Rank noong 2005 ay ilang promoters ang humawak kay Pacquiao.

Sa Top Rank nakuha ni Pacquiao ang kanyang kasikatan at malalaking laban.

“What a privilege it’s been to promote you,” sabi ni Arum kay Pacquiao.

“If this isn’t the last time, I’d be happy to come up here again and introduce you for another fight,” dagdag pa ng promoter.

ACIRC

ANG

BEVERLY HILLS HOTEL

BOB ARUM

CRYSTAL BALLROOM

FLOYD MAYWEATHER

PACQUIAO

SA TOP RANK

TIMOTHY BRADLEY

TOP RANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with