Patrombon kinapos din sa doubles
MANILA, Philippines – Matapos mabigo sa kanyang kampanya sa singles division, bumawi si Jeson Patrombon ngunit kinapos pa rin kasama si Jimmy Wang ng Chinese Taipei nang mabigo kay Johan Brunstrom at Frederik Nielsen, 3-6, 1-6 kahapon sa doubles ng $75,000 ATP Challenger Philippine Open 2016 sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nasibak si Patrombon sa first round matapos ang 2-6, 2-6 pagkatalo kay fifth seed Kimer Coppejans ng Belgium nitong Martes sa torneong sponsored ng Phl Sports Commission, Phl Tennis Association at Cebuana Lhuillier ni Jean Henri Lhuillier.
Sa pagkatalo ni Patrombon, tanging si Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales na lang ang natitirang Pinoy sa torneo.
Kalaban nina Alcantara at Indonesian Christopher Rungkat sina top seed Ilija Bozoljac ng Serbia at Andreas Siljestrom ng Sweden as of press time. Sinibak sina Patrombon, Alcantara, Gonzales atteen AJ Lim ng mala-lakas na kalaban sa first round ng singles division.
- Latest