^

PM Sports

Cruz inagaw ang titulo kay Dillashaw

Pang-masa

BOSTON — Muling napasakamay ni Dominick Cruz ang UFC bantamweight title matapos talunin ang dating kampeong si T.J. Dillashaw via split decision kaha­pon sa TD Garden.

Nakahugot si Cruz (21-1) ng mga iskor na 48-47 at 49-46, habang tumanggap ng 49-46 si Dillashaw (13-3) sa ka­nilang five-round bout.

Napuwersang isuko ang UFC bantamweight crown bunga ng ilang ser­ye ng knee injuries, mu­ling lumaban si Cruz sa unang pagkakataon ma­tapos noong 2014 at ikalawa sapul noong 2011.

Ginawa naman ni Dil­lashaw ang kanyang pangatlong sunod na ti­tle defense para sa ban­tam­weight belt.

“There’s no such thing as rust,” sabi ni Cruz ng San Diego, Ca­lifornia. “Rust is only something you get when you don’t train hard. I’ve seen fighters do what T.J. does, but he’s fas­ter.”

Pinatumba ni Cruz si Dillashaw ng Denver at ginamit ang kanyang footwork para kontrolin ang kanilang distansya.

“I’m very disappoin­ted,” wika ni Dillashaw. “I felt like I was the aggressor and landed the big­ger shots. I’m not a fan of his antics, but congratulations to him.”

Sa co-main event, bi­nigo ni Eddie Alvarez (27-4) si dating lightweight champion An­tho­ny Pettis (18-4) sa isang three-round fight.

Sa iba pang laban, pi­nigil naman ni heavyweight contender Travis Browne (18-3-1) si da­ting  NFL player Matt Mitrione (9-5) sa third round, habang umiskor si lightweight Francisco Trinaldo (17-4) ng three-round unanimous decision laban kay Ross Pearson (20-10).

ACIRC

CRUZ

DILLASHAW

DOMINICK CRUZ

EDDIE ALVAREZ

FRANCISCO TRINALDO

MATT MITRIONE

ROSS PEARSON

SAN DIEGO

SHY

TRAVIS BROWNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with