Rockets pinatumba ang Los Angeles Lakers
LOS ANGELES – Pinaglaruan lamang ng Houston Rockets ang Los Angeles Lakers sa first half bago ipinakita kung ano pa ang kanilang kayang gawin.
Umiskor si James Harden ng 31 points para pangunahan ang Rockets sa 112-95 panalo laban sa Lakers.
Ito ang ikaanim na pagkakataon na tinalo ng Rockets ang Lakers sa Staples Center.
“We wanted to bounce back from that loss in the last game,” sabi ni Harden. “We allowed them to score too easy in the first half, but in the third quarter we turned it up. We knew we had to lock in on the defensive end, because we knew we could basically get anything we wanted on the offensive end if we got stops.”
Ang Rockets (22-20) ay nagtala ng 18-13 record sa ilalim ni interim coach J.B. Bickerstaff, pumalit kay Kevin McHale noong Nov. 18.
“I think the attitude and the camaraderie, the togetherness and the fight has been much better overall,” wika ni Bickerstaff. “Time and time again there have been tough situations where we’ve been down in games, but we’ve stuck together and found a way to crawl back and win.”
Humakot naman si Dwight Howard ng 14 points at 15 rebounds para sa kanyang pang-siyam na sunod na double-double na pinakamahaba niya matapos maglista ng 14-game run noong 2013.
Pinamunuan ni Lou Williams ang Los Angeles sa kanyang 20 points, habang may 5 markers si star Kobe Bryant, naglalaro na may sore right Achilles, sa loob ng 24 minuto at dinuplikahan ang kanyang season high na 9 assists bago ipinahinga sa fourth quarter.
“It’s important to try and get out there and play if I can,” sabi ni Bryant. “You always feel terrible for the fans when you can’t get out there and play. So If I can perform, I should.”
Ang 3-pointer ni Harden na kasama sa 17-4 run sa unang 5:08 minuto ng third quarter ang naglayo sa Rockets sa Lakers sa 77-61.
Sa Oklahoma City, itinala ni Russell Westbrook ang kanyang pangalawang sunod na triple-double para tulungan ang Oklahoma City sa 99-74 paggupo sa Miami Heat.
Kumolekta ang explosive point guard na si Westbrook ng 13 points, 15 assists at 10 rebounds para sa kanyang pang-limang triple-double sa season at ika-24 sa career.
May 20-4 record ang Thunder kapag nagtatala si Westbrook ng triple-double at 5-0 ngayong season.
Naglista si Thunder forward Kevin Durant ng 24 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Serge Ibaka ng 19 points kasunod ang 18 ni Dion Waiters.
Nagtuwang sina Durant, Ibaka at Westbrook para ilayo ang Thunder sa 66-50 sa third period at hindi na nilingon ang Heat.
Ang Thunder ang naging ikatlong koponan na nakapaglista ng 30 panalo ngayong season.
Binanderahan naman ni Dwyane Wade, hindi naglaro noong Biyernes kontra sa Denver Nuggets dahil sa shoulder soreness, ang Heat sa kanyang 22 points.
Ipinagdiwang ni Wade ang kanyang ika-34 kaarawan.
Nag-ambag si center Hassan Whiteside ng 14 points, 11 rebounds at 4 blocks para sa Miami.
- Latest