Lausa nalo kay Pitpitunge
MANILA, Philippines – Ginulat ni Jenel Lausa ang kababayang si Pacific X-Treme Combat bantamweight titlist Crisanto Pitpitunge sa pamamagitan ng isang split decision victory para hirangin bilang bagong flyweight champion sa PXC 51 noong Sabado sa Solaire Resorts and Casino sa Parañaque City.
Nakakuha si Lausa ng 48-47 at 48-47 iskor mula sa dalawang judges, habang tumanggap si Pitpitunge ng 48-47 para angkinin ang bakanteng titulo na inalis kay Alvin Cacdac matapos mabigong makuha ang timbang sa nakaraang PXC 48.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ni Lausa at pang-anim sa kabuuan sa walong laban.
Natapos naman ang tatlong sunod na ratsada ni Pitpitunge para sa kanyang 8-4 win-loss record.
Naging maaksyon ang bakbakan ng 27-anyos na si Lausa, tubong Concepcion, Iloilo at ni Pitpitunge ng Baguio City-based Team Lakay sa loob ng five rounds.
“He’s one of the fighters I looked up to and I respect him a lot,” wika ni Lausa, ang No. 13 ranked sa professional boxing sa Southeast Asia, kay Pitpitunge.
Bumangon naman si Rolando Dy, anak ni boxing great Rolando Navarrete, mula sa two-fight skid nang kunin ang unanimous decision win kay Miguel Mosquera sa undercard.
Nauna nang natalo si Dy kay Kyle Aguon ng Guam.
Natalo naman si Aguon via unanimous decision kay Korean Kwan Ho Kwak sa co-main event.
Ang iba pang nanalo ay sina John Cris Corton laban kay Farmon Gafarov, Sho Kogane kontra kay Wesley Machado, Ernie Braca kay Emilio Urrutia, Han Seul Kim kay Nao Yoneda at Rex de Lara kay Stephen Loman.
- Latest