^

PM Sports

Magpapaubaya na si Kobe sa Olympics

Pang-masa

MIAMI – Handa nang ipasa ni Kobe Bryant ang Olympic torch.

Inihayag ni Bryant na kusa niyang aalisin ang kanyang pangalan sa mga ikinukunsidera para sa U.S. team na lalahok sa Rio de Janeiro Olympics.

Nangangahulugan na opisyal nang magsisimula ang pagreretiro ng five-time NBA champion sa pagtatapos ng kanyang ika-20 at final season sa Los Angeles Lakers.

Ginawa ni Bryant ang announcement sa Salt Lake City bago ang laro ng Lakers kontra sa Jazz.

Ipinaalam na niya kina USA Basketball chairman Jerry Colangelo at Olympic coach Mike Krzyzewski ang kanyang plano at sinabing gusto niyang bigyan ang iba ng pagkakataong maranasan ang Olympic journey.

“Since my retirement announcement, I’m able to watch these guys in a different light,’’ wika ni Bryant, isang gold medalist noong 2008 at 2012.  “I’ve come to terms with the fact that they are the future of this game. These are the guys who deserve the spots in Rio. These are the guys who people need to watch and root for. These are the guys to show fans where this game is going in the future.’’

Nauna na niyang binanggit sa isa pang player ang kanyang desisyon.

Nang maglaro ang Lakers sa Golden State noong Huwebes ay nilapitan siya ni Warriors guard Leandro Barbosa, isang Brazilian at sinabi sa kanyang “See you in Rio.’’

ACIRC

ANG

BRYANT

GOLDEN STATE

JANEIRO OLYMPICS

JERRY COLANGELO

KOBE BRYANT

LEANDRO BARBOSA

LOS ANGELES LAKERS

MIKE KRZYZEWSKI

SALT LAKE CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with