Anthony lumakas sa starting spot sa All-Star
NEW YORK – Umangat si New York forward Carmelo Anthony sa puwestuhan sa starting spot sa pinakahuling voting update para sa NBA All-Star Game, habang patuloy na nangunguna sina Kobe Bryant at Stephen Curry sa overall balloting.
Inungusan ni Anthony si Andre Drummond ng Detroit Pistons para sa ikatlo at huling Eastern Conference front-line starting position sa kanyang nakuhang 368,336 votes na mas marami ng 7,029 kumpara sa Pistons standout.
Ang mga starters sa East at West squads para sa 65th NBA All-Star Game ay ihahayag sa Huwebes.
Ang All-Star Game ay gagawin sa Pebrero 14 sa Toronto.
Ang mga reserve players na pinili ng mga NBA coaches ay ibubunyag sa Enero 28.
Binabanderahan naman ng Los Angeles Lakers playmaker na si Bryant, nakatakdang magretiro matapos ang season, ang lahat ng vote-getters sa kanyang 1,533,432 at sasamahan sa Western Conference front-court ni Oklahoma City Thunder star forward Kevin Durant (774,782) at Golden State Warriors power forward Draymond Green (499,947).
- Latest