^

PM Sports

EAC, Perpetual spikers asam ang finals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng reigning titlist Emilio Aguinaldo College at Perpetual Help na maitakda ang kanilang title showdown sa pagharap sa San Beda at St. Benilde, ayon sa pagkakasunod ngayon sa Final Four ng men’s division ng 91st NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng Generals ngayong alas-12:00 ng tanghali ang Lions, umangkin ng ikaapat at huling Final Four berth sa pamamagitan ng 25-22, 25-20, 22-25, 25-22 panalo kontra sa Arellano U Chiefs noong Martes habang haharapin ng Altas ang Blazers sa  alas-2 kung saan ang kanilang tagumpay ay magsasaayos ng kanilang best-of-three title showdown.

Nakopo ng EAC ang No. 1 slot matapos manalo sa Perpetual Help, 21-25, 25-20, 25-17, 25-19 na bumagsak sa No. 2 at  St. Benilde na siya namang No. 3 seed.

Ang Generals ay inaasahang muling sasandal kina reigning MVP Howard Mojica na gumawa ng 30 hits laban sa Perpetual Help sa kanilang huling pagkikita.

“He’s our source of strength,” sabi ni EAC coach Rodrigo Palmero.

Sa women’s action, maghaharap naman ang defending champion Arellano U at St. Benilde sa knockout duel para sa karapatang harapin ang San Sebastian sa finals.

Iginupo ng Lady Blazers ang Lady Altas, 16-25, 25-19, 25-11, 25-21 sa unang laro ng stepladder semis nitong Martes.

Nakopo naman ng San Sebastian ang outright finals seat matapos ma-sweep ang elimination round sa siyam na panalo na nagbigay din sa kanila ng thrice-to-beat advantage na katumbas ng 1-0 lead sa best-of-five series.

Sa juniors’ play, haharapin naman ng Perpetual Help at EAC ang San Sebastian at Arellano U kung saan parehong isang panalo lamang ang kanilang kailangan upang iselyo ang best-of-three championship.

ANG

ANG GENERALS

ARELLANO U

ARELLANO U CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

HOWARD MOJICA

LADY ALTAS

PERPETUAL HELP

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with