^

PM Sports

Caluag, 22 pa magtatangkang makasama sa Rio Olympics

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa mga kamay na ng Philippine Olympic Committee ang pangalan ng mga Filipino athletes na may tiket na o may potensyal na makalahok sa darating na Rio Olympics.

Nangunguna sa listahan sina Daniel Caluag ng BMX cycling, ang nag-iisang gold medalist ng bansa noong 2014 Incheon Asian Games at runner Eric Cray, kumuha ng dalawang gold medals noong 2015 Singapore SEA Games.

Nakatakda ang Summer Games sa Aug. 5-21 sa Rio de Janeiro, ang tahanan ng pamosong Ipa-nema beaches, makulay na Carnival Festival at sexy samba.

Nagpulong kahapon ang iba’t ibang sports clusters, kasama dito sina Romeo Magat ng tennis, Tom Carrasco ng triathlon at Jose Romasanta ng volleyball.

Si Romasanta ang tatayong Philippine chef-de-mission sa Rio Games.

Hiniling ni Jose Cojuangco, ang POC president, sa mga national sports associations (NSAs) na magsumite ng listahan ng kanilang mga atleta para sa accreditation sa International Olympic Committee.

Sinabi ni Magat na mayroon silang 19 pangalan at ilan pa ang inaasahan para sa March 28 deadline na itinakda ng IOC.

Kung walang atletang makaka-qualify ay babawiin ang accreditation.

Ang iba pang nasa listahan ay sina golfers Miguel Tabuena, Jennifer Rosales at Princess Superal; weightlifters Heidilyn Diaz at Nestor Colonia; shooters Hagen Topacio, Amparo Acuna at Jayson Valdez; track bets Marestella Torres at EJ Obiena; boxers Mark Anthony Barriga, Rogen Ladon, Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio at Irish Magno; taekwondo’s Pauline Lopez at Sam Morrison at judo’s Kiyomi Watanabe.

Naghahangad din ng tiket sina golfers Angelo Que and Antonio Lascuna, at ang Richardson twin sisters na sina Kayla at Kyla.

Sa kasalukuyan ay si Cray ang opisyal na qualified sa Rio Olympics bagama’t sinabi ni Magat na tiyak nang makakalahok si Diaz sa kanyang ikatlong sunod na Olympic stint.

“We’re looking at 16 athletes who can make it,” wika ni Magat noong 2012 London Olympics kung saan 11 Filipino athletes sa walong sports disciplines at noong 2008 Beijing Olympics na may 15 athletes.

Hindi pa nananalo ang bansa ng gold medal sa Summer Olympics matapos ang silver ni boxer Onyok Velasco noong 1996 Atlanta Olympics.

Noong 2014 ay nakatudla si archer Gabriel Moreno ng gold medal sa mixed team event sa 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

“More or less those who will qualify for the Rio Olympics will come from this list,” ani Magat.

vuukle comment

ACIRC

AMPARO ACUNA

ANG

ANGELO QUE AND ANTONIO LASCUNA

ATLANTA OLYMPICS

BEIJING OLYMPICS

CARNIVAL FESTIVAL

DANIEL CALUAG

ERIC CRAY

MAGAT

RIO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with