^

PM Sports

Barako aalis na sa PBA?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakatakda na nga bang umalis nang tuluyan ang Barako Bull sa Philippine Basketball Association?

Sinasabing nakiki-pag-usap na ang Barako Bull, nasa ilalim ng Lina Group of Companies, sa isang prospective buyer.

Inaasahan ng isang reliable source na hihiling ang Barako Bull management ng isang special PBA board meeting para ipaalam sa mga board members ang posibleng pagbebenta ng kanilang prangkisa bago ang 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Ang isang franchise sale ay mangangaila-ngan ng two-thirds votes ng mga miyembro ng 12-team local pro league.

Nagsumite na ang Lamoiyan Group at Racal Motors ng letter of intent para makasali sa PBA sa pamamagitan ng expansion o pagbili ng existing franchise.

Ngunit nakakuha ang Barako Bull ng isa pang franchise buyer.

Ang iba pang gustong sumali sa PBA ay ang Rebisco at SM na nagmamay-ari sa MOA Arena sa Pasay City.

Nauna nang kumuha ng leave of absence ang Barako Bull sa PBA bago bumalik matapos hirangin ang Lina Group bilang majority owner ng energy drink company.

Ang Energy ay hinawakan nina coaches Junel Baculi, Bong Ramos, Rajko Toroman at Koy Banal at nabigong makakuha ng korona.

Kabilang sa mga kasalukuyang players ng Barako Bull ay mga dating Barangay Ginebra Kings o San Miguel Beermen.

Ito ay sina Willy Wilson, JC Intal, Josh Urbiztondo, Mick Pennisi, Jeric Fortuna, Eman Monfort, Chico Lanete, Rodney Brondial, Mac Baracael at James Forrester. (NB)

ANG

ANG ENERGY

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA KINGS

BONG RAMOS

CHICO LANETE

EMAN MONFORT

JAMES FORRESTER

JERIC FORTUNA

JOSH URBIZTONDO

JUNEL BACULI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with