All-Filipino match sa PXC ngayong Sabado
MANILA, Philippines - Bubuksan ng Pacific X-treme Combat (PXC) ang 2016 season sa pamamagitan ng bakbakan nina Crisanto Pitpitunge at Je-nel Lausa sa Sabado sa Solaire Resort and Casino.
Paglalabanan nina Pitpitunge at Lausa ang bakanteng flyweight title sa main match ng nine-fight card para sa 51st edition ng premiere Mixed Martial Arts (MMA) tournament sa Asia.
Ito ang unang all-Filipino title match sa PXC sapul nang talunin ng namayapang si Ale Cali si Erwin Tagle sa flyweight championship.
“It’s gonna be an exciting nine-fight card which the PXC prepared for fight fans this coming Saturday,” sabi ni PXC director for fight operations Robert San Diego kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Ang isa pang title match ay magtatampok kay reigning bantamweight king Kyle Aguon ng Guam laban kay Kwan Ko Kwak ng South Korea.
Dumalo din sa public sports program na inihahandog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel, at Philippine Amusement and Gaming Corp sina fighters Rex De Lara na haharap kay Stephen Loman sa bantamweight clash at Wesley Machado na makakatapat si Sho Kogane ng Japan sa featherweight bout sa undercard. (JV)
- Latest