^

PM Sports

Ravena, Oraeme mangunguna sa Collegiate Mythical Five

Pang-masa

MANILA, Philippines – Babanderahan nina UAAP-MVP Kie­fer Ravena ng Ateneo  at NCAA-MVP-ROY Allwell Oraeme ng Mapua ang Collegiate Mythical Five awar­dees sa UAAP-NCAA Press Corps Collegiate Basketball Awards na ga­ganapin sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills.

Kasama nina Ravena at Oraeme sina Mac Belo ng FEU, Kevin Ferrer ng UST at Scottie Thompson ng  Perpetual Help.

Nasungkit ni Ravena ang kanyang ikalawang sunod na UAAP MVP award bago iwanan ang Ateneo.

Si Oraeme  na itinanghal na MVP at Rookie of the Year sa NCAA ang bumuhat sa Mapua  sa Final Four sa unang pagkakataon sapul noong 2010.

Naging katuwang naman ng Tamaraws si Belo para tuldukan ang isang dekadang pagkauhaw at makamit ang ika-20 titulo ng koponan sa liga habang si Ferrer ang runner-up sa MVP race.

Makakasama ng Collegiate Mythical Five sa listahan ng mga awardees sina Nash Racela ng FEU at Aldin Ayo na dating Letran coach at kasalukuyan nang mentor ng De La Salle University, na siyang gagawaran ng Coach of the Year awards.

Pasok din sina Roger Pogoy ng FEU at Kevin Racal ng Letran para sa Pivotal Player award at sina Baser Amer ng San Beda College, Mark Cruz ng Letran at Mike Tolomia ng FEU para sa Super Senior honors.

ACIRC

ALDIN AYO

ALLWELL ORAEME

ANG

ATENEO

BASER AMER

COACH OF THE YEAR

COLLEGIATE MYTHICAL FIVE

DE LA SALLE UNIVERSITY

LETRAN

RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with