Hitik sa aksiyon ang mga pakarera ng Philracom para sa taong 2016
MANILA, Philippines – Ipinalabas kamakailan ng Philippine Racing Commission ang kanilang racing calendar para sa 2016 na punung-puno ng aksiyon kung saan mas maraming sponsored major races ngayon kaysa noong nakaraang taon.
Sisimulan ng Philracom ang taon sa pagdaraos ng Commissioner’s Cup sa Jan. 17 sa Metroturf Racecourse. Ang 1,800-meter race ay bukas sa mga 4-year old na kabayo at pataas kung saan nakataya ang total purse na P1.2 million.
May bagong 4YO stakes race na nakatakda sa Jan. 31 sa Santa Ana Park na isang bagong innovation ng kasalukuyang Commission sa ilalim ni Chairman Andrew A. Sanchez.
“We anticipate that this new type of major race will attract more bettors because they provide opportunities for local horses to shine,” aniya.
Magkakaroon din ng “3YO Locally-Bred” stakes races.
Tampok sa Pebrero ay ang Valentine’s Day sa San Lazaro Leisure Park – ang unang leg ng Import-Local Challenge para sa mga 4YO at pataas.
Ang Summer Racing Festival para sa lahat ng racetracks ay magsisimula sa Mar. 26 at ang aabangang first leg ng Triple Crown para sa mga 3YO ay sa May 15 sa Santa Ana Park.
Ang 2016 racing year ay tatapusin ng Philracom Chairman’s Cup at 3YO Imported Fillies Championship sa Dec. 11.
May 38 stakes races para sa 2016, kabilang ang dalawa na gaganapin sa Mayor Ramon D. Bagat-sing Memorial racing festival sa August.
Hindi kasama rito ang mga Philracom-sponsored stakes races para sa horseowners’ organizations na MARHO, Philtobo at Klub Don Juan de Manila gayundin ang mga charity races.
- Latest