Alaska lumapit sa finals
MANILA, Philippines – Isang panalo na lang ang kailangan ng Alaska para muling makapasok sa championship series.
Ganap na dinomina ng Aces ang Globalport Batang Pier sa Game Four nang kunin ang 109-84 panalo sa kanilang semifinals series para sa 2016 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humakot si Calvin Abueva ng 20 points at 13 rebounds para pamunuan ang Alaska sa pagtatayo ng malaking 3-1 kalamangan sa Globalport sa kanilang best-of-seven semifinals showdown.
“I can’t ask for anything more. I thought the guys responded really well,” sabi ni coach Alex Compton sa kanyang Aces, dalawang beses natalo sa nagkampeong San Miguel Beermen sa Finals ng nakaraang PBA Philippine Cup at Governor’s Cup.
Matapos kunin ang 32-20 abante sa first period ay lumayo pa ang Alaska sa halftime, 54-40.
Tuluyan nang ibinaon ng Aces ang Batang Pier sa pamamagitan ng 21-point lead, 86-65 sa 9:53 minuto ng fourth quarter.
Samantala, kulang naman sa tao na sasagupain ng Rain or Shine ang nagdedepensang San Miguel sa Game Four ng kanilang serye ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.
Matapos si 6-foot-8 Raymond Almazan (sprained right ankle), si sophomore guard Jericho Cruz naman ang nagkaroon ng injury (hyperextended left leg) sa 111-106 panalo ng Elasto Painters sa Beermen sa Game Three noong Sabado.
ALASKA 109 - Abueva 20, Hontiveros 16, Jazul 14, Banchero 10, Dela Rosa 9, Baguio 8, Casio 8, Eximiniano 7, Baclao 4, Menk 3, Dela Cruz 2, Thoss 0.
Globalport 84 - Romeo 24, Pringle 16, Washington 12, Yeo 8, Isip 6, Sumang 6, Kramer 4 Jensen 2, Maierhofer 2, Pena 2, Semerad 2, Hayes 0, Mamaril 0, Uyloan 0.
Quarterscores: 32-20; 54-40; 82-62; 109-84.
- Latest