Abante na ang Alaska
MANILA, Philippines – Nang mapatalsik si scoring guard Terrence Romeo bunga ng ikala-wang technical foul sa 6:37 minuto ng fourth quarter ay gumuho na rin ang pag-asa ng Globalport.
Ito ang sinamantala ng Alaska Aces para mu-ling pabagsakin ang Batang Pier, 82-69 sa Game Three ng kanilang semifinals series para sa 2015-2016 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kumolekta si Vic Manuel ng 16 points, 6 rebounds at 2 shotblocks para igiya ang Alaska sa 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals wars ng Globalport.
Nagdagdag naman ng 12 markers si RJ Jazul kasunod ang tig-10 nina JVee Casio at Chris Banchero para sa Aces na nagposte ng 13-point lead sa first period bago nakatabla ang Batang Pier sa third quarter, 53-53.
Huling natikman ng Globalport ang kalamangan sa 57-54 kasunod ang 15-1 atake nina Manuel, Jazul at Dondon Hontiveros para sa 69-58 bentahe ng Alaska sa 7:07 minuto ng final canto.
Napatalsik sa laro si Romeo sa 6:37 minuto ng laro matapos matawagan ng kanyang ikalawang technical nang makipagirian kay Jazul.
Tuluyan nang sinel-yuhan ng Aces ang kanilang panalo nang isalpak ni Banchero ang kanyang dalawang free throws sa huling 1:44 minuto para iwanan ang Batang Pier sa 82-67.
Samantala, hangad naman ng Rain or Shine na mapitas ang 2-1 bentahe sa kanilang semifinals showdown ng nagdedepensang San Miguel sa Game Three ngayong alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos malusutan ng Beermen sa Game One, 109-105 ay bumangon ang Elasto Painters sa Game Two nang angkinin ang 105-97 panalo para itabla ang kanilang serye sa 1-1.
ALASKA 82 - Manuel 16, Jazul 12, Banchero 10, Casio 10, Abueva 9, Hontiveros 9, Exciminiano 4, Baguio 3, Menk 3, Baclao 2, Dela Cruz 2, Thoss 2, Dela Rosa 0.
Globalport 69 - Romeo 17, Pringle 12, Kramer 11, Washington 7, Sumang 6, Yeo 6, Jensen 5, Maierhofer 5, Mamaril 0, Peña 0, Seme-rad 0, Uyloan 0.
Quarterscores: 26-13; 36-26; 53-53; 82-69.
- Latest