Mabigat ang sala ni abueva P91.K multa sa 13 players, officials
MANILA, Philippines – Matapos ang nagdedepensang San Miguel at Rain or Shine sa Game One noong Martes, ang Alaska at Globalport naman ang pinatawan ng multa dahil sa nangyaring kaguluhan sa Game Two ng kanilang semifinals series para sa 2015-2016 PBA Philippine Cup noong Miyerkules.
Multang P91,200 ang ipinataw sa 13 players at team officials ng Aces at Batang Pier sa nangyaring tulakan at komprontasyon.
Ito ay doble sa P44,200 fine sa mga coaches at players ng Beermen at Elasto Painters sa Game One ng kanilang semifinals series.
Ang Alaska ay pinagbayad ng kabuuang P74,200 kumpara sa P17,000 ng Globalport.
Sa mga players ay si Aces star forward Calvin Abueva ang may pinakamala-king multa sa kanyang P41,600 dahil sa pagsisimula ng naturang kaguluhan sa first period kung saan 13 technicals fouls ang itinawag sa magkabilang panig.
Ang naturang multa ni Abueva ay hinati sa P20,000 (instigating a commotion), P10,000 (confronting Globalport governor at league vice chairman Erick Arejola, P10,000 (confronting Batang Pier players Anthony Semerad at Jay Washington) at P1,600 (second motion).
Pinagmulta naman si Alaska forward Vic Manuel ng P11,600 dahil sa dalawang beses na pagtulak kay Washington at para sa second motion.
Si Washington ay pinagmulta ng P4,000 matapos mapatalsik sa laro dahil sa dalawang technicals.
Ang ikatlong technical ni Washington sa komperensya ang nagresulta sa kanyang P4,000 multa, habang napatawan sina Semerad, Joseph Yeo, Dorian Peña ng Batang Pier at si Aces guard Dondon Hontiveros ng tig-P1,000.
Ang mga team officials na umalis sa kanilang mga bench na sina Globalport team manager Bonnie Tan, coach Pido Jarencio, Alaska coach Alex Compton at assistant coaches Louie Alas, Jeffrey Cariaso at Monch Gavieres ay pinagbayad ng tig-P5,000.
- Latest