Williams may hinahangad na makamit ngayong 2016
BRISBANE, Australia — Wala nang iba pang sport na makakapantay sa hangarin ni Serena Williams.
Sisimulan ni Williams, nagreyna sa unang tatlong major tournaments noong 2015 at natalo sa US Open semifinals, ang kanyang kampanya sa pakikipagtambal kay Jack Sock para sa American team sa Hopman Cup sa Perth, Western Australia.
Sasagupain ng mga Americans ang Ukraine para sa una nilang laban.
Ang torneo ay bahagi ng Australian Open Series kasama ang Brisbane International na magtatampok kina defending champions Roger Federer at Maria Sharapova.
Noong 2015 ay binuksan ni Williams ang kanyang 53-3, five-title season mula sa tagumpay kay Sharapova sa Australian Open finals.
- Latest