Nag-iwan ng mga babalikan sa Metro Turf Club
MANILA, Philippines – Ngayon pa lamang ay nasasabik muli ang bayang karerista sa muling pagdaraos ng mga pakarera sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas dahil nag-iwan kasi ito ng mga matitinding babalikan sa Martes.
Una nang nakaparada ang carry over na P996,746 na puwedeng ilagay sa Martes o kundi man ay sa Miyerkules. Mangyaring may mga panibagong diskarte ang racing manager sa ganitong mga pangyayari.
Dalawa pang matinding carry over ang naka-schedule. Ang pentafecta carry over na P34,915 ay nakabitin rin at ang super six P83,382 carry over.
Ang dahilan ng mga babalikan nating mga dibidendo ay ang pagpanalo ng maraming dehadong entries sa ating karera noong nakaraang Huwebes.
Nahigitan pa mandin ng mga dehadong kalahok ang mga paboritong entries.
Unang nagpasikat ang dehadong Che And Ryan sa isang X-Max racing festival na para sa special race-20. Sorpresang tinalo ng Che And Ryan na ginabayan ni Jaw Saulog ang Patricia’s Dream na ginabayan ni A.P. Navarosa at unang paboritong Royal Kapupu na nirendahan ni R.G. Fernandez.
Kasunod niyang nagpasikat ay ang far second pick na Hugo Bozz na dinala ni Christopher V. Garganta na nakaungos sa pinapaborang Red Cloud na pinatakbo ni Val Dilema sa isa pang X-Max racing fest trophy race.
Pagpihit sa likod ng programa ay ang Friends For Never na pinatungan ni Jomel L. Lazaro ang siyang bumulaga. Dinalo niya bago sumapit sa meta ang Popsicle na dinala ni Jonathan B. Hernandez at Zeal na sinakyan naman ni R.C. Baldonido.
Apat pang matitinding dehado ang nagsipanalo sa limang panghuling karera.
Ang isa sa kanila ay ang Bossa Gurl na tumalo sa Sweet Child Of Mine, Kiss Me, Role Model, Yani’s Song at Love A Belle.
Sorpresa ring nanalo ang Saint Tropez, isang dehadong pinatakbo ng isang class-D rider na si R.B.Baylon.
Hindi pinaporma ng Saint Tropez ang paboritong Precious Jewel na nirendahan ni K.B. Abobo gayundin ang Nice ni C.M. Pilapil at Saviour ni J.B. Hernandez.
- Latest