^

PM Sports

Thompson, Green nagbida sa Warriors

Pang-masa

HOUSTON — Itinala ni Draymond Green ang kanyang NBA-leading na pang-limang triple-double para igiya ang nagdede­pen­sang Golden State War­riors sa 114-110 pana­lo laban sa Rockets.

Tumapos si Green na may career-high na 16 assists at nagdagdag ng 10 points at 11 rebounds.

Isang reporter ang nagtanong kay Green kung dapat bang mag-alala si Ste­phen Curry dahil ina­agaw niya ang trabaho ni­to bilang point guard habang may leg injury ang NBA MVP.

“I don’t think Steph Curry got to worry about too much of nothing,” natawang wika ni Green. “I just tried to step up and make plays. One thing we talked about was kind of trying to slow the pace of the game down and executing our offense.”

Pinamunuan ni Klay Thompson ang Warriors sa kanyang 38 points.

Nagmula ang Warriors sa kabiguan sa Dallas Mavericks noong Miyerkules para sa kanilang ikalawang kabiguan sa season dahil hindi nakala­ro si Curry bunga ng sore left lower leg.

Sumandal ang Warriors sa magandang laro ni Thompson, nagsalpak ng anim na tres, para talu­nin ang Rockets.

Tumapos si Harden na may 30 points sa panig ng Houston.

Sa Oklahoma City, ku­mamada si Russell West­brook ng 36 points, 12 assists at 5 steals para iha­tid ang Thunder sa 110-106 panalo kontra sa Phoenix Suns.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 23 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Oklahoma City.

“It was a good night for him,” sabi ni Durant kay Westbrook. “He was just efficient. He had the ball in his hands and made good decisions. He took control of the game and made shots. That’s what he does, he’s a scorer. He’s a guy that sets everybody up. He was big tonight.”

Nakatanggap naman sina Durant, teammate Steven Adams at Phoenix center Tyson Chandler ng technical foul sa first half.

Sa Auburn Hills, hu­ma­kot si Andre Drummond ng 23 points at 18 boards, habang nagtala si Reggie Jackson ng 19 points at 9 assists para tu­lungan ang Detroit Pistons sa 115-90 tagumpay laban sa Minnesota Timberwolves.

Pinamunuan ni Kentavious Caldwell-Pope ang Pistons, nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan, sa kanyang 22 markers.

ACIRC

ANG

DALLAS MAVERICKS

DETROIT PISTONS

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WAR

KENTAVIOUS CALDWELL-POPE

KEVIN DURANT

KLAY THOMPSON

MINNESOTA TIMBERWOLVES

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with