^

PM Sports

P6.783M incentives para sa Para Gamers inihahanda na ng PSC

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaayos na ng Phi-lippine Sports Commission ang pagbibigay ng incentives na aabot sa P6.783 million sa mga medalists sa nakaraang Asean Para Games sa Singapore pati na ang kanilang mga coaches sa susunod na buwan.

“We already made a request to Pagcor to release funds for this event of the disabled,” sabi ni PSC chairman Richie Garcia.

Kumulekta ang Phi-lippine team ng 16 gold, 17 silver, at 26 bronze medals mula sa APG sa kaagahan ng buwang ito.

Di tulad dati, ang tagumpay ng mga atletang may  kapansanan  ay nabibigyan na nga-yon ng cash bonuses sa ilalim ng RA 10669 o ng revised Sports Incentives Act kung saan P150,000 sa gold;  P75,000 sa silver at P30,000 sa bronze. Ang coach ay bibigyan ng bonus na 50 percent ng bonus na natanggap ng kanyang alaga.

Hindi binibigyan ng incentive ang mga  Para Games medalists sa da-ting RA 9064 (Sports Incentive Act) dahil pili lang ang binibigyan ng PSC.

“We’re expecting its release by first week of January,” sabi ni PSC executive director Guil-lermo Iroy.

Si swimmer Ernie Gawilan ang top earner sa grupo sa kanyang P375,000 matapos manalo sa men’s 00-meter individual medley SM8 at 400-meter freestyle S8 at naka-silver din siya sa 100-m free S8. Nag-qualify din ang Davaoeño para sa Rio Paralympics sa 400m at 100m free.

Ang PhilSpada-NPC, ayon kay Iroy ay nakikipag-usap sa SM para sa venue ng awarding ng incentives.

ACIRC

ANG

ASEAN PARA GAMES

ERNIE GAWILAN

IROY

PARA GAMES

RICHIE GARCIA

RIO PARALYMPICS

SPORTS COMMISSION

SPORTS INCENTIVE ACT

SPORTS INCENTIVES ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with