Chua, Tabora tinanghal na Bowlers of the Year
MANILA, Philippines – Napili sina national bowlers Kenneth Chua at Krizziah Tabora bilang 2015 Prima Pasta Bowler of the Year upang banderahan nila ang mga awardees sa ginanap na Team Prima’s annual athletes recognition night kamakailan sa V Corporate Centre sa Makati City.
Ito na ang ikalawang male Bowler of the Year award ng 24-anyos na si Chua, miyembro ng Philippine bowling team, makaraang dominahin ang pitong prestihiyosong bowling tournament nga-yong taon. Nagtala rin siya ng apat na perfect games.
Ang mga torneong pinagwagian ni Chua ngayong taon ay ang PTBA Open Mixed Open Masters, SLETBA Open Masters Champion, Phi-lippine National Open Masters, pumangalawa siya sa World Cup National Finals, SCTBA Open, sa Henrich Cup Open Masters at TBAM Easter Open Masters.
Sa kabilang banda, nasikwat ni Tabora ang kanyang back-to-back female Bowler of the Year award sa ipinamalas na impresibong performance na kinatampukan ng panalo sa TBAM Open at bahagi rin siya sa PHL team na naka-bronze sa SEA Games.
- Latest