^

PM Sports

Kapatid sa kapatid Gin Kings patutumbahin ang Hotshots

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang personalan, tra­­baho lang.

Ito ang nasa isip ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng Barangay Gi­nebra sa pagsagupa ni­ya sa dating tropang Star sa quarterfinal round ng 2015-2016 PBA Philippine Cup.

“We both wanna go out there and win. I love the Purefoods (Star) guys dearly, but at this point there’s no love lost bet­ween us,” sabi ni Cone, gu­miya sa San Mig Coffee (ngayon ay Star) sa PBA Grand Slam noong 2013.

Lalabanan ng No. 4 Gin Kings, nagdadala ng ‘twice-to-beat’ advantage, ang No. 9 Hotshots nga­yong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay Ci­ty.

Sakaling manalo sa Star ay aabante ang Ginebra sa knockout phase papasok sa semifinals kung saan naghihintay ang No. 1 Alaska at No. 2 San Mi­guel, ang nagdedepensa sa korona.

Inangkin ng Gin Kings ang No. 4 ticket nang pa­luhurin ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 91-84, no­ong nakaraang Linggo kung saan kumolekta si se­ven-foot center Greg Slaughter ng game-high na 27 points.

Nag-ambag si 6’8 forward Japeth Aguilar ng 17 markers kasunod ang 12 ni point guard Sol Merca­do.

Pinatumba ng Star ang Ginebra, 86-78, sa ka­nilang unang pagkikita noong Oktubre 25 kung saan sila lumamang ng 31 points.

“Those Purefoods (Star) players obviously know how to play in the playoffs, they know how to get themselves ready for the playoffs,” sabi ni Cone.

Bagama’t nanalo sa una nilang banggaan ay hin­di nagkukumpiyansa ang Hotshots sa muling pag­harap sa Gin Kings.

“The first time that we met that was a team that was still figuring out how to play together. Now, they’re already on a diffe­rent level that they’ve already figured out a way to win,” sabi ni Star rookie mentor Jason Webb.

Kasalukuyang suma­sakay ang Ginebra sa three-game winning streak.

Sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Alex Malla­ri at Mark Barroca ang mu­ling babandera sa Star.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magta­tagpo naman ang No. 5 Globalport, may bitbit na ‘twice-to-beat’ edge, at ang No. 8 Barako Bull.

Tinalo ng Batang Pier ang Energy sa una nilang paghaharap, 105-91, sa eli­minasyon.

“Kailangan naming ibigay ‘yung best namin,” sabi ni Globalport scoring guard Terrence Romeo, makakatuwang si Stanley Pringle. “Iyong mga mistakes na­min, kailangan na­ming ma-correct.”

Sina Willy Wilson, JC Intal, Carlo Lastimosa at RR Garcia ang aasahan na­man ng Energy.

ACIRC

ALEX MALLA

ANG

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BATANG PIER

GIN KINGS

GINEBRA

GRAND SLAM

SHY

STAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with