^

PM Sports

4 sunod na panalo tinuhog ng Hawks

Pang-masa

ATLANTA – Umiskor si Dennis Schroder ng 18 points nang igupo ng Atlanta Hawks ang Portland Trail Blazers, 106-97 noong Lunes ng gabi para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Natingab ang ipin ni Schroder, backup point guard ng Atlanta, nang bumangga ito sa kaagahan ng fourth period ngunit nagtala ng 7-for-10 mula sa floor sa mahigit 17 minutong paglalaro. Ang Hawks ay may anim na players na umiskor ng double figures.

Ang Trail Blazers ay lumaro na wala sina starting guards Damon Lillard at C.J. McCollum. Si Lillard ay may plantar fasciitis sa kaliwang paa at ngayon lang nag-miss ng laro sa unang pagkakataon sa kanyang career na tumapos ng kanyang streak sa 275 consecutive games. Si McCollum ay may sprained ankles sa parehong paa.

Tumapos si Allen Crabbe ng 19 points para sa Portland bilang pamalit na starter. Si Tim Frazier na first time ding maging starter sa season ay may  12 points at seven assists sa ikaapat na sunod na talo ng Blazers

Sa Los Angeles, pumukol si Kevin Durant ng go-ahead jumper sa huling 5.8 segundo ng laro bago supalpalin ang pampanalong 18-footer ni Chris Paul bago tumunog ang final buzzer upang igupo ng  Oklahoma City ang Los Angeles 100-99.

Kumamada si Russell Westbrook ng 33 points at nagdagdag si Serge Ibaka ng 17 para sa Oklahoma City. Mula sa 104-100 pagkatalo sa Cleveland na tumapos ng kanilang six-game winning streak, ito ang ika-11 panalo ng Thunder sa 14 games.

ALLEN CRABBE

ANG

ANG HAWKS

ANG TRAIL BLAZERS

ATLANTA HAWKS

CHRIS PAUL

DAMON LILLARD

DENNIS SCHRODER

KEVIN DURANT

LOS ANGELES

OKLAHOMA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with