May reward ang Ginebra
MANILA, Philippines - Ilang laro ang naipanalo at naipatalo ng Barangay Ginebra sa ilalim ng kanilang bagong coach na si Tim Cone.
Kaya naman itinuring ng two-time PBA Grand Slam champion coach na si Cone na isang ‘reward’ ang pagsikwat ng Gin Kings sa No. 4 berth sa quarterfinal round ng 2015 PBA Philippine Cup.
“Our reward is we’re gonna play Star which is really really hard,” wika ni Cone sa pagharap ng Ginebra, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, sa kanyang dating koponan. “I hope we’re a better team.”
Ganap na nakamit ng Gin Kings ang No. 4 ticket nang talunin ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 91-84, noong Linggo kung saan humakot si seven-foot center Greg Slaughter ng game-high na 27 points.
Nagdagdag naman si 6’8 forward Japeth Aguilar ng 17 markers, habang may 12 si point guard Sol Mercado.
“We’ve worked our way to 4th, and I’m proud of our guys for that,” wika ni Cone. “We played Talk ‘N Text that we considered as one of the elite teams.”
Laban sa Hotshots na iginiya sa Grand Slam noong 2014, sinabi ni Cone na hindi siya magiging ‘mabait’ sa kanyang dating tropa na ginagabayan ngayon ni rookie mentor Jason Webb.
“We both wanna go out there and win. I love the Purefoods (Star) guys dearly, but at this point there’s no love lost between us,” daklarasyon ng giyera ni Cone sa Hotshots na binabanderahan nina two-time PBA Most Valua-ble Player James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Alex Mallari at Mark Barroca.
Nakatakda ang quarterfinal round sa Araw ng Pasko sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bago ang laro ng Ginebra at Star sa alas-7 ng gabi ay papagitna muna ang banggaan ng No. 5 Globalport, nagdadala ng ‘twice-to-beat’ edge, ang No. 8 Barako Bull.
Ang Alaska at nagdedepensang San Miguel ang umangkin sa dalawang outright semifinals berth mula sa magkatulad nilang 9-2 record matapos ang elimination round.
- Latest