Harden, Howard nagbida para sa panalo ng Rockets
LOS ANGELES -- Sandaling nagyakap sina Kobe Bryant at Dwight Howard bago ang laro ng Houston Rockets at Lakers.
Bagama’t tumanggi si Howard na manatili sa Lakers ni Bryant noong 2013, naging sentimental pa rin ang Rockets’ center sa farewell season ng All-Star guard.
Umiskor si James Harden ng 25 points, habang humakot si Howard ng 16 points at 15 rebounds para tulungan ang Rockets sa 107-87 panalo laban sa Lakers.
Tumapos si Bryant na may 22 points at nagsalpak ng isang dunk sa unang pagkakataon sa kanyang farewell season kung saan niya niliparan si Clint Capela.
Humanga naman si Howard sa naturang one-handed slam ni Bryant.
“I already know what the headlines are going to say: Kobe turned back the hands of time,” sabi ni Howard. “I didn’t think he had enough legs to do it, but it’s pretty cool. We got to see the old guy still has the legs a little bit.”
Naghiwalay sina Howard at Bryant noong 2013.
Iniwan ni Howard ang ilang milyon sa lamesa para maging free agent at alisan ang pag-asa si Bryant na makuha ang kanyang ikaanim na NBA championship.
“My legs felt lively and they felt springy,” sabi ni Bryant sa kanyang dunk sa third period. “I don’t know where it came from, but it was there. I can’t really explain it. I feel like I can maintain this, but it’s always a give-and-take with Father Time. Sometimes he lets me lead the way, and sometimes he leads the way, so you just kind of roll with it. It’s a good idea not to mock Father Time. So I’ll just say that as long as he lets me lead the way, I’m cool with that.”
Sa Cleveland, hindi napigil ni LeBron James ang kanyang sarili at nahulog sa kandungan ng isang courtside spectator.
Hindi niya alam na ang kanyang nadaganan ay ang asawa ni 2015 PGA champion Jason Day.
Nakipag-agawan sa loose ball, dumiretso ang Cavaliers star sa kandungan ni Ellie Day na nagresulta sa pagkakadala sa kanya sa ospital sa fourth quarter ng 104-100 panalo ng Cavaliers laban sa Oklahoma City Thunder.
Kaagad isinakay si Ellie Day, nagsilang ng kanyang ikalawang anak noong nakaraang buwan, sa stretcher mula sa Quicken Loans Arena at dinala sa MetroHealth Medical Center.
Sa pag-asikaso ng medical personnel kay Ellie Day sa arena ay pinuntahan siya ni James at hinawakan ang kanyang kamay.
- Latest