Crawford naghahanda kung hindi mapipili ni Pacquiao
MANILA, Philippines – Hindi hihinto ang mundo ni World Boxing Organization light welterweight king Terence Crawford sa paghihintay sa desisyon ni boxing superstar Manny Pacquiao.
Kaya naman ngayon pa lamang ay may mga tinitingnan nang opsyon ang kampo ni Crawford.
“Terence is fine, he’ll fight, we’ve got him scheduled to fight anyways, if that happens,” sabi ng kanyang manager na si Cameron Dunkin sa panayam kahapon ng BoxingScene.com.
“But nothing’s been said, yet. So it looks like it’s leaning that way, yes, but either way it doesn’t matter. Terence is going to fight three times in 2016,” dagdag pa nito.
Hanggang ngayon ay wala pang napipili si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) ukol sa kanyang magiging pinakahuling laban sa Abril 9, 2016.
Sinasabing sina WBO welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. (33-1-1, 13 KOs) at Crawford (27-0-0, 19 KOs) ang nasa listahan na lamang ng Filipino world eight-division.
Ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, sakaling wala pa ring desisyon si Pacquiao ay itutuloy niya ang boxing card sa naturang petsa sa Las Vegas, Nevada.
Sina Pacquiao, Bradley at Crawford ay nasa bakuran ng Top Rank.
Bukod kay Victor Postol ay may ilan pangalan pang ibinigay si Crawford kay Dunkin para sa maaari niyang labanan.
“He gave me twelve names yesterday so there’s plenty of guys. So we’ll find out who wants to fight and what HBO wants to do and we’ll go from there,” ani Dunkin.
Ang dalawa rito ay sina dating WBO ruler Ruslan Provodnikov at Lucas Matthysse.
- Latest