Tinapos ang winning streak ng Globalport Talk ‘n Text nagpalakas sa insentibo sa quarters
MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpigil sa four-game winning streak ng Batang Pier ay inilapit naman ng Tropang Texters ang kanilang sarili sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.
At ginawa nila ito nang wala si No. 1 overall pick Moala Tautuaa.
Humataw si point guard Jayson Castro ng 25 points at nag-ambag si No. 2 overall selection Troy Rosario ng 19 markers para tulungan ang Talk ‘N Text sa 107-96 paggupo sa Globalport sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“We needed to win this game kasi di pa namin alam kung saan kami. Kailangan talaga ‘yung panalong ito. Depending sa laro bukas, we’ll see where we will land,” sabi ni Tropang Texters’ coach Jong Uichico
Ang tinutukoy na laro ni Uichico ay ang mga bakbakan ng Alaska at Barako Bull ngayong alas-3 ng hapon at ang salpukan ng Rain or Shine at NLEX sa alas-5:15 sa Big Dome.
Sa tournament format, ang top two teams matapos ang eliminasyon ay kukuha ng automatic semifinals ticket, habang ang magtatapos sa No. 3, 4, 5 at 6 ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7 sa quarterfinals.
Makaraang bitbitin ang sa nine-point lead, 53-44, sa halftime ay pinalaki ng Talk ‘N Text ang kanilang bentahe sa 83-69 sa third period.
Tuluyan nang ibinaon ng tropa ni Uichico ang Globalport nang ilista ang 18-point advantage, 92-84, mula sa triple ni Castro sa 8:56 minuto ng fourth quarter.
Binanderahan naman nina Stanley Pringle at Terrence Romeo ang Batang Pier sa kanilang tig-24 points kasunod ang 14 ni Joseph Yeo.
TALK ‘N TEXT 107 - Castro 25, Rosario 19, Aban 9, Carey 9, Fonacier 9, Seigle 9, Williams 7, Rosser 6, Reyes R. 6, Reyes J. 5, Miranda 3, Rodriguez 0.
Globalport 96 - Pringle 24, Romeo 24, Yeo 14, Semerad 9, Jensen 7, Mamaril 6, Kramer 6, Maierhofer 4, Washington 2, Isip 0, Paniamogan 0, Peña 0, Uyloan 0, Sumang 0.
Quarterscores: 15-22; 53-44; 83-69; 107-96.
- Latest