Bryant bumandera para sa panalo ng Lakers
LOS ANGELES – Kumamada si NBA superstar Kobe Bryant ng 22 points at 6 assists para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 113-95 paggiba sa Milwaukee Bucks.
Ito ang unang laro ng Bucks matapos wakasan ang 24-0 start sa season ng nagdedepensang Golden State Warriors.
Nagdagdag si D’Angelo Russell ng 19 points at 7 assists para sa Lakers na itinala ang 22-point lead sa third quarter patungo sa kanilang ikalawang panalo sa 15 games at iposte ang 4-21 sa farewell season ni Bryant.
Tumapos si Lou Williams na may 16 points, habang humakot si Julius Randle ng 14 points at 14 rebounds.
Itinala ng Lakers ang season-high na 26 assists at may pitong double-digit scorers sa unang pagkakataon ngayong season.
Pinamunuan naman ni reserve guard Michael Carter-Williams ang Bucks sa kanyang 19 points.
Naglaro ang Milwaukee nang wala si leading scorer Greg Monroe dahil sa sore left knee.
Ito ang pang-10 sunod na kabiguan ng Bucks sa kanilang road games.
Ang four-point play ni Bryant ang nagbigay sa Lakers ng 18-point lead sa third quarter bago ibaon ang Bucks sa pamamagitan ng 22-point advantage.
Sa Boston, kumamada si LeBron James ng 24 points at nagdagdag si Kevin Love ng 20 markers at 8 rebounds para igiya ang Cleveland Cavaliers sa 89-77 paggiba sa Celtics.
Ito ang unang biyahe ng Cleveland sa bagong Boston Garden matapos mabalian ng balikat si Love nang hilahin ni Kelly Olynyk sa four-game sweep ng Cavaliers.
“Time heals all wounds,’’ sabi ni Love tungkol sa nangyari sa kanya. “I’ll remember my first playoff run and that fourth game being particularly tough. But as time goes on it’ll be another game against a really good team.’’
- Latest