Painters, Aces lumapit sa semis
MANILA, Philippines – Ang isang malaking laro ay hindi pakawalan ng Elasto Painters.
Rumesbak ang Rain or Shine mula sa 10-point deficit sa third period para gibain ang sibak nang Meralco, 97-87, at patibayin ang paghahangad sa isa sa dalawang automatic semifinals berth sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Alaska ang nagdedepensang San Miguel, 103-97.
Binanderahan ni Jeff Chan ang Elasto Painters sa kanyang 24 points, habang kumolekta si Raymond Almazan ng mga career-highs na 21 points at 17 rebounds.
“We had to bleed for this one. This is a big game for us to keep our chances alive for outright semis,” wika ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Para tuluyan nang angkinin ang isang outright semifinals ticket ay dapat talunin ng Elasto Painters ang NLEX sa Sabado.
Ang dalawang free throws ni rookie guard Chris Newsome ang nagbigay sa Meralco ng 10-point lead, 52-42, sa 10:41 minuto ng third period bago nakabawi ang Rain or Shine para kunin ang 67-66 bentahe sa pagtatapos nito.
Mula dito ay itinala ng Elasto Painters ang 87-80 abante sa huling 2:52 minuto ng final canto.
Pinangunahan ni Jared Dillinger ang Bolts sa kanyang 15 points kasunod ang 13 ni rookie guard Baser Amer, 12 ni Newsome.
RAIN OR SHINE 97 - Chan 24, Almazan 21, Cruz 13, Belga 9, Norwood 8, Quiñahan 5, Ahanmisi 4, Ponferrada 4, Teng 3, Ibañes 2, Matias 2, Trollano 2, Tiu 0.
Meralco 87 - Dillinger 15, Amer 13, Newsome 12, Alapag 10, Nabong 9, Hodge 8, Hugnatan 8, Buenafe 7, Al-Hussaini 5, David 0, Faundo 0.
Quarterscores: 23-22; 42-49; 67-66; 97-87.
- Latest