^

PM Sports

Presidential Gold Cup ilalarga sa Linggo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sila-sila rin ang magpapanagpo sa Presidential Gold Cup na ilalarga sa Linggo sa obalo ng San La-zaro Leisure Park.

Sponsor ng naturang karera ang Philippine Charity Sweepstakes Office na naglaan ng P5-milyong premyo kung saan P3-milyon ang mapupunta sa kampeon.

Ilalarga sa distansiyang 2,000 meters, ang pa-ngunahing kontenders ay ang Low Profile, Hagdang Bato, Malaya, Pugad Lawin, Dixie Gold, Kanlaon, Penrith, Messi at Tap Dance.

Pagtutuunan ng pansin ang mga dadalhing handicap weights ng bawat kalahok. Ang many-time champion na Hagdang Bato ang magdadala ng pinakamabigat na 62 kilograms.

Kasunod nito ang Pugad Lawin sa 59 kilos; ang Low Profile ay magdadala ng 55 kilos  gayundin ang Dixie Gold, Kanlaon, Messi, Tap Dance.

Puro class-A riders ang naka-assign sa mga kabayong ito na sina J.B. Hernandez (Hagdang Bato),  M.A. Alvarez (Low Profile),  K.B. Abobo sa Malaya, J.B. Guce sa Tap Dance,  JPA Guce sa Pugad Lawin,  Pat Dilema sa Dixie Gold,  J.A. Guce sa Messie, Val Dilema sa Kanlaon at  C.V. Garganta sa Penrith.

Itinuturing na pinaka-prestihiyosong pakarera sa buong taon itong Presidential Gold Cup pero dahil sa maraming beses na ring nagkakalaban ang mga kontenders ay marami rin ang nagsasabi  na ito ay magiging anti-climactic lamang.

ANG

DIXIE GOLD

GUCE

HAGDANG BATO

KANLAON

LEISURE PARK

LOW PROFILE

NBSP

PRESIDENTIAL GOLD CUP

PUGAD LAWIN

TAP DANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with