Ivanovic pumukaw ng pansin
MANILA, Philippines – Tinapos ng Philippine Mavericks ang kanilang kampanya sa harap ng mga Pinoy sa pamamagitan ng 25-24 panalo sa Indian Aces, 25-24 sa pagsasara ng Manila leg ng International Premier Tennis League (IPTL) kamakalawa sa Mall of Asia Arena.
Naungusan ni Milos Raonic si 14-time Grand Slam champion Rafael Nadal sa final match upang iselyo ang panalo ng Mave-ricks na tumapos ng kanilang kampanya sa Manila leg na walang talo.
Lumamang ang Aces matapos ang panalo sa mixed doubles nina Rohan Bopanna at Sania Mirza na tumalo kina Filipino-American star Treat Huey at world No. 1 Serena Williams, 6-3.
Bumawi si Williams sa women’s singles nang kanyang igupo si Samathan Stosur, 6-3 bago talunin ni Roanic ang crowd favorite na si Nadal 6-5, upang iselyo ang panalo ng Mavericks.
Pumukaw naman ng atensiyon ang Serbian beauty na si Ana Ivanovic na nakaligtas kay Karolina Pliskova, 6-5 upang ihatid ang UAE Ro-yals sa panalo kontra sa Singapore Slammers, 26-23.
Ang IPTL na nagsimula noong December 2 sa Kobe, Japan ay tutulak na ng New Delhi para sa third leg na magsisimula ngayon.
- Latest