^

PM Sports

K-12 makakatulong sa collegiate league -- Poe

Pang-masa

MANILA, Philippines – Magbubukas ng oportunidad para sa mas eksperiyensiyado at mas maraming estudyanteng atleta sa nangungunang liga gaya ng UAAP at NCAA ang implimentasyon ng K-12 sa pagpasok ng unang batch ng Grade 12 sa susunod na pasukan.

“Ang pagdaragdag ng dalawang taon sa antas sekundarya (Grades 11 at 12) ay tiyak na lilikha ng ma-laking pagbabago sa nabanggit na mga liga pagdating sa kalidad ng kumpetisyon sa kanilang junior divisions,” pahayag ng presidential candidate na si Grace Poe.

Hindi pa kasama rito ang bilang ng mga Fil-Ams na gustong mag-aral ng high school sa bansa lalo na ngayong nakatutugon na ang Pilipinas sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa edukasyon.

“Kung titingnan, napakarami nang dayuhan ang nag-aaral ngayon ng kolehiyo sa iba’t ibang unibersidad at eskuwelahan sa bansa. At sa pagpapatupad ng K-12 program, nakatitiyak tayo sa pagtaas din ng bilang ng dayuhang kabataan na gustong mag-aral dito ng high school,” sabi ni Poe.

Dahil dito, hinimok ng senador ang mga NCAA at UAAP at maging ang iba pang kompetisyong sangkot ang iba’t ibang aaralan na klaruhin ang lebel ng kumpetisyon sa kani-kanilang mga liga para maiwasan ang isyu hinggil sa eligibility ng manlalaro na sasali sa kanilang liga.

“Hindi naman imposible, kung hahatiin, halimbawa ng UAAP ang juniors competition nito sa junior at senior high school,” paliwanag ng senador.

Maagap naman ang senadora sa pagbibigay-diin na dumaraan sa pagbabagong pisikal at sikolohikal ang mga batang atleta, sa pagitan ng mga edad 15 at 20 na maaaring makaapekto sa kanilang performance.

Sa kasalukuyang panuntunan ng mga collegiate league sa bansa, pinapayagang maglaro ang isang estudyante sa high school hanggang edad 18,   sa   kon-disyong nananatili siyang naka-enroll sa paaralang kanyang kinaaaniban.

“Sa pagpasok ng Grade 12 seniors, dahil sa K-12 program at karamihan sa kanila ay magdidisiotso sa 2016, pinapayuhan natin ang ating mga  collegiate league na repasuhing muli ang kanilang mga patakaran sa eligibili-ty ng mga manlalaro para makapaglaro sa junior level ng kumpetisyon,” ani Poe. “Sa pagsisimula ng isang manla-laro ng kaniyang collegiate career sa edad 19, nakatitiyak tayo na makikinabang ang ating mga collegiate league.

ACIRC

ANG

DAHIL

FIL-AMS

GRACE POE

KANILANG

MAAGAP

MAGBUBUKAS

MGA

NBSP

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with