^

PM Sports

Donaire vs Juarez sa Biyernes na

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naitakda na ang bakbakan nina dating world four division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at Mexican fighter Cesar Juarez sa  dara-ting na Biyernes sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

Ang hinihintay na lamang ay ang desisyon ng World Boxing Organization kung ituturing ang laban nina Donaire  (35-3-0, 23 KO’s) at Juarez (17-3-0, 13 KOs) bilang isang championship fight para sa bakanteng super bantamweight crown.

Matatandaang tinanggalan ng WBO ng super bantamweight belt si Cuban two-time Olympic Games golds medalist Guillermo Rigondeaux (16-0-0, 10 KOs) matapos mabakante ng 11 buwan.

Binigo ni Rigondeaux (16-0-0, 10 KOs) si Filipino contender Drian “Gintong Kamao” Francisco (28-4-1, 22 KOs) sa kanilang ten-round, non-title fight noong Nobyembre 22 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Sa mga susunod na araw ay inaasahan ng Top Rank Promotions na maghahayag ng desisyon ang WBO tungkol sa laban nina Donaire at Juarez.

“We expect an announcement in the coming days,” sabi ni Top Rank vice-president of Operations Carl Moretti. “It will come before the weigh-in and before the fight -- they will know by that time for sure, whether or not they’re fighting for a world title.”

Kasalukuyang nakabinbin ang apela ng kampo ni Rigondeaux sa WBO kaugnay sa pagkakatanggal ng kanyang korona.

Tinalo ni Rigondeaux si Donaire noong 2013 sa kanilang light featherweight world title unification bout.

Sinabi naman ng 32-anyos na si Donaire na hindi siya magkukumpiyansa sa 24-anyos na si Juarez bagama’t may 20 laban lamang ito.

Wala siyang ibang nasa isip kundi ang talunin si Juarez para muling maitaas ang kanyang pangalan sa world boxing scene matapos hirangin bilang Fighter of the Year nang talunin sina Wilfredo Vasquez, Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.

“I’m ready for any opportunity,” sabi ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire.

ACIRC

ANG

CESAR JUAREZ

COLISEO ROBERTO CLEMENTE

DONAIRE

FIGHTER OF THE YEAR

FILIPINO FLASH

GINTONG KAMAO

GUILLERMO RIGONDEAUX

JUAREZ

RIGONDEAUX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with