^

PM Sports

Na-starstruck ang lahat kay Nadal

Pang-masa

MANILA, Philippines – Segundo lang ang kinailangan ni Spanish superstar Rafael Nadal noong Lunes para maramdaman ang “It’s more fun in the Philippines.”

Nang tawagin ang pangalan ni Nadal sa MOA Arena, naghiyawan ang mga tao.

“The crowd was just unreal today,” sabi ng guwapong tenista na sumalang sa men’s doubles at men’s singles na pareho niyang naipanalo.

Ang kanyang presensiya ay naging susi sa panalo ng Indian Aces, reigning IPTL champions kontra sa UAE Royals na na-sweep sa five sets, 30-18.

“It had been a great afternoon for me. It’s been a great crowd behind me. I’m enjoying the people. They’re so friendly,” ani Nadal na hindi lumaro dito noong nakaraang taon dahil sa medical reason ngunit ngayon ay naramdaman na niya kung paano lumaro sa harap ng kanyang mga Pinoy fans.

Ayon kay Nadal, sa kompetisyong ito na mas binibigyang importansiya ang team effort, mas mabilis ang laro at mas exciting.

“I’m having a lot of fun,” sabi ng 14-time Grand Slam champion.

Kalaban ng grupo ni Nadal ang Philippine Mavericks sa huling araw ng Manila leg kagabi.

Sa pakikipagtambal ni Treat Huey kay Serena Williams ay nalasap nila ang 6-5 pagkatalo kontra kina Daniel Nestor at Kristina Mladenovic ng UAE Royals.

ACIRC

ANG

DANIEL NESTOR

GRAND SLAM

INDIAN ACES

KRISTINA MLADENOVIC

NADAL

PHILIPPINE MAVERICKS

RAFAEL NADAL

SERENA WILLIAMS

TREAT HUEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with