Serena, iba pang tennis stars pinagkaguluhan din
MANILA, Philippines - Nakuha ng mga tennis superstars ang lahat ng atensiyon sa IPTL (International Premier Tennis League) welcome dinner sa bahay ni Philippine Mavericks’ co-owner Haresh Hiranand sa Dasmariñas Village, Makati noong Sabado ng gabi.
Ngunit nagningning ng husto si world No. 1 women’s tennis player Serena Williams nang dumating kasama ang iba pang players para sa three-day Manila leg ng IPTL second season na nagsimula na kagabi sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Sa pagbubukas ng aksiyon noong Linggo, pinangunahan ni Nick Kyrgios ng Australia ang Singapore Slammers sa kanilang 29-20 panalo kontra sa Japan Warriors.
Nanalo ang 20-gulang na si Kyrgios sa kanyang singles match kontra kay Philip Kohlschreiber, 6-5, at bumalik sa court para ibigay sa Slammers ang 6-3 panalo sa mixed doubles event katuwang si Belinda Bencic laban kina Leander Paes at Mirjana Lucic-Baroni para sa 2-2 record ng Slammers.
Ang Warriors, pinakabagong team sa IPTL ay hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro sa Japan leg.
Sinimulan ni Carlos Moya ang kampanya ng Slammers sa pamamagitan ng 6-4 panalo laban kay Marat Safin sa legends singles bago namayani si Belinda Bencic sa women’s singles, 6-2 kay Kurumi Nara at Baroni, isang late substitute.
Ang tanging puntos ng Warriors sa labang ito ay ga-ling kina Paes at Pierre Hugues Herbert na nanalo kina Dustin Brown at Marcelo Melo sa mixed doubles, 6-5.
- Latest