‘Di mapigilan ang Warriors dumiretso sa 22-0 record
NEW YORK – Umiskor si Stephen Curry ng 16 sa kanyang 28 points sa third quarter upang idiretso ng Golden State Warriors ang kanilang NBA-record start sa 22-0 matapos igupo ang Brooklyn Nets 114-98 noong Linggo ng gabi.
Nagdagdag si Draymond Green ng 22 points, nine rebounds at seven assists. Umiskor si Klay Thompson ng 21 para sa Warriors, na nanalo ng kanilang ika-26th sunod na laro sa kabuuan ng regular season, isa na lang ang kulang sa record ng Miami noong 2012-13 para sa second-longest streak sa NBA history.
Mula sa magkakasunod na 40-point games, tahimik ang gabi para kay Curry na nagmintis ng kanyang unang tatlong free throws bago nito tinulungan ang Warriors na makuha ang control laban sa team na muntik nang tumalo sa kanila sa season na tila tatalunin na sila ngayong season.
Ngunit muling nagbalik ang porma ng NBA MVP upang isalba ang Golden State sa pamamagitan ng mainit na performance sa simula ng fourth quarter.
Pinantayan ng Warriors ang isa pang NBA record, matapos parisan ang itinala ng New York Knicks noong 1969-70 para sa best road start na 12-0.
Nagtala si Thaddeus Young ng 25 points at 14 rebounds at tumapos si Brook Lopez ng 18 para sa Nets na nalagutan ng four-game home winning streak.
Nagmintis si Lopez sa malapitang tira sa regulation buzzer noong Nov. 14 nang talunin ng Warriors ang Nets sa overtime sa kanilang homecourt.
Sinabi ni coach Luke Walton na hinayaan ng Warriors na makagawa ng magandang simula ang Nets sa naturang laro nang umiskor ang Brooklyn ng 36 points sa first quarter.
Dahil sa season-best na 38 points sa 78 percent shooting sa second period, pinaliit ito ng Nets sa 57-54 sa halftime bago buksan ang five-point lead sa huling bahagi ng third quarter.
Sumagot si Curry ng 11 points at ang lobong pasa kay Festus Ezeli na dumakdak sa huling 2:10 minuto ng period. Lumamang ang Golden State sa 87-80 bago humataw sa fourth quarter.
Sa Auburnhills, Michigan, ipinakita ng Detroit na nag-i-improve na ang kanilang team sa huling pagbisita ng pa-retire nang si Kobe Bryant matapos ang 111-91 pamamayani sa LA Lakers.
- Latest