Tagumpay ng Foton nadaan sa masinsinang usapan
MANILA, Philippines – Isang masinsinang pag-uusap lamang ang nagpatibay ng puso ng Foton patungo sa kanilang pag-angkin sa korona ng katatapos na 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament.
Ibinunyag ni team manager Alvin Lu na tinipon niya ang mga Tornadoes para sa isang open forum upang malaman ang problema matapos ang tatlong sunod na talo sa first round.
“Things were not going right in the first round when I decided to give them a pep talk,” wika ni Lu na nanggaling sa China para panoorin ang 25-18, 25-18, 25-17 panalo ng Foton laban sa two-time champion na Petron sa Game Three noong nakaraang Sabado sa Cuneta Astrodome.
Maganda naman ang nangyari at ang resulta ng naturang pag-uusap.
“The team responded perfectly well to our discussion. They committed themselves to a common goal and vowed to work hard as one unit in our next games. We were an entirely different team in the second round as we went on to win five straight games to make it to the semis,” sabi ni Lu.
Ngunit hindi naging madali ang pagsikwat ng Tornadoes sa titulo.
Kinailangan ng Foton na kunin ang 25-18, 26-24, 18-25, 20-25, 15-8 panalo laban sa top seed Philips Gold sa semis para maitakda ang kanilang finals duel ng Petron, kumatawan sa bansa sa nakaraang AVC Asian Women’s Club Championship sa Vietnam noong Setyembre.
Matapos kunin ng Tornadoes ang Game One, 14-25, 25-21, 25-19, 25-22 naitabla naman ng Blaze Spikers ang serye sa 1-1 nang pitasin ang 25-13, 25-21, 23-25, 24-26 panalo sa Game Two sa likod nina ace spikers Dindin Manabat, Aby Maraño at Rachel Anne Daquis katuwang sina Brazilian imports Rupia Inck at playmaker Erica Adachi.
Ayon naman kay coach Vilet Ponce-De Leon, hindi niya pinagdudahan ang kakayahan ng Tornadoes sa Game Three.
“I told them that if we have to triple our effort for Game 3, we will gladly do it. We’re already here. There’s no backing down,” ani Ponce-De Leon. “We’re all eager and hungry to win the crown.”
Sa pangunguna nina American imports Lindsay Stalzer at Katie Messing at middle blocker Jaja Santiago ay kinuha ng Foton ang unang dalawang sets patungo sa kanilang pagrereyna.
“We want a fairy-tale ending and we finally finished it today,” wika ni Ponce-De Leon. “We were made to believe in fairy tales like Cinderella and Snow White when we were growing up and today, we validated that fairy tales do come true. Our journey from the bottom to the top is one for the books.”
At ang lahat ng ito ay nagsimula sa isang simpleng pag-uusap.
- Latest