TNT sigurado na sa quarter finals
MANILA, Philippines – Kumaripas ang Tropang Texters sa 17-0 pani-mula sa first period habang 0-of-15 naman ang shooting sa three-point range ng Elasto Painters sa first half.
Sapat na ito para talunin ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine, 95-85 at ibulsa ang pang-anim na quarterfinals berth sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang pang-limang panalo ng Tropang Texters sa walong asignatura kasabay ng pagpigil sa tatlong sunod na arangkada ng Elasto Painters.
“We just want to win every game then kung saan kami bumagsak doon kami,” sabi ni coach Jong Uichico. “We just want to win games and try to fix the way we’re playing.”
Mula sa naturang 17-0 panimula ay binitbit ng Talk ‘N Text ang 23-point lead, 50-27 kontra sa Rain or Shine sa halftime patungo sa 93-78 kalamangan sa huling 1:46 minuto ng fourth quarter buhat sa dalawang free throws ni Ryan Reyes.
Samantala, pinala-kas naman ng Star ang kanilang tsansa sa quarterfinals nang talunin ang Mahindra, 104-96 tampok ang 26 points ni veteran guard Mark Barroca.
Nagdagdag si Alex Mallari ng 20 markers, habang may 15 si two-time PBA Most Valuable Player James Yap, 11 si PJ Simon at 10 si Jake Pascual para tapusin ang four-game losing skid ng Hotshots.
STAR 104 – Barroca 26, Mallari 20, Yap 15, Simon 11, Pascual J. 10, Taha 6, Pingris 5, Sangalang 4, Melton 3, Cruz 2, Torres 2.
Mahindra 96 – Ramos 26, Dehesa 24, Pascual 11, Canaleta 8, Guinto 8, Yee 8, Revilla 5, Digregorio 4, Hubalde 2, Alvarez 0, Pinto 0, Webb 0.
Quarterscores: 24-18; 46-42; 73-69; 104-96.
TALK ‘N TEXT 95 – Tautuaa 27, Rosario 19, Fonacier 9, Castro 9, Rosser 8, Reyes R. 8, Carey 4, Miranda 4, Williams 4, Aban 3, Reyes J. 0.
Rain or Shine 85 – Quiñahan 21, Chan 15, Cruz 14, Almazan 13, Ahanmisi 8, Trollano 5, Belga 3, Nimes 2, Norwood 2, Matias 1, Tiu 1, Ibañes 0, Ponferrada 0.
Quarterscores: 34-11; 50-27; 70-54; 95-85.
- Latest