^

PM Sports

Valdez inihatid ang PLDT sa titulo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pinansin ni Alyssa Valdez ang masakit na tuhod upang pangunahan ang PLDT Home Ultera sa 25-21, 25-22, 22-25, 25-21 panalo kontra sa Army kahapon upang makopo ang titulo sa Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference na nagtapos kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tabla ang iskor sa 13-all sa fourth set, bumalik si Valdez sa bench na iika-ika matapos madisgrasya ang kanyang kanang tuhod nang bumagsak at tumama sa ulo ng kanyang kasamang si Sue Roces habang nagtatangkang i-dig ang bola.

Ngunit hindi ito nakapigil kay Valdez para bumalik sa court.

Sa kanyang pagbabalik, parang hindi tinamaan ang kanyang tuhod sa pagpapakawala nito ng  malalakas na kills para tumapos na may game-best na 22 hits kabilang ang 17 sa kills na malaking tulong para makopo ng Ultrafast Hitters ang kanilang ikalawang championship sa taong ito matapos makopo ang Open Conference title noong Mayo.

“I kept asking her if she’s okay every point. And she told me, she is,” sabi ni PLDT coach Roger Gorayeb ukol kay Valdez.

Si Valdez, nagtala ng 25 points sa come-from-behind 16-25, 20-25, 26-24, 29-27, 18-16 panalo sa Game 1 noong nakaraang Linggo, ang itinanghal na Finals MVP na karagdagan sa kanyang Open at Collegiate Conference MVP trophies.

“Helping the team win the championship is really my goal above anything else,” sabi ni Valdez.

Para kay Gorayeb, siya ang naging unang coach na naka-‘Grand Slam’ matapos ihatid ang PLDT sa Open Conference title at National University to the Collegiate Conference title, dalawang buwan na ang nakakaraan.

“I’m thankful for it but I’m more concerned giving this team another cham-pionship,” sabi ni Gorayeb.

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

ANG

COLLEGIATE CONFERENCE

GORAYEB

GRAND SLAM

HOME ULTERA

NATIONAL UNIVERSITY

OPEN CONFERENCE

REINFORCED CONFERENCE

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with