^

PM Sports

Washington nagpaalam na rin kay Kobe

Pang-masa

WASHINGTON – Sa ikalawang araw ng kanyang farewell tour kasama ang isang emosyunal na laro sa kanyang pinagmulang bayan, pagbisita sa White House at isang vintage performance, nakakatanggap muli si Kobe Bryant ng pagmamahal.

Nakuha niya ito mula sa sellout crowd matapos humugot ng 12 sa kanyang season-high na 31 points sa fourth quarter para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 108-104 panalo sa Washington Wizards.

“I thought everybody hated me,” wika ni Bryant sa kanyang final game sa Washington. “It’s really cool, man.”

Tumapos si Bryant na may 10-of-24 fieldgoal shooting at muling ipinakita ang kanyang husay sa final canto para sa Lakers.

Nang maisalpak ni Bryant ang kanyang pull-up jumper na nagbigay sa Lakers ng 103-101 abante sa huling 30.8 segundo ay nagwala ang 20,356 fans sa loob ng Verizon Center na tila Staples Center sa Los Angeles.

“It was like a movie, man,” wika ni Lakers Fil-Am guard Jordan Clarkson, umiskor ng 18 points. “Him taking it over towards the end and making those shots, it was crazy.”

Nagdagdag si Julius Randle ng 15 points at career-best na 19 rebounds para sa Lakers (3-15) na pumigil sa kanilang seven-game losing skid.

Mainit din ang nakuhang pagtanggap ni Bryant noong Martes sa kanilang kabiguan sa Philadelphia 76ers na una niyang laro matapos ihayag ang pagreretiro pagkatapos ng season na ito.

Nagtala naman si Wizards guard John Wall ng 34 points at 11 assists.

 

ACIRC

ANG

BRYANT

JOHN WALL

JORDAN CLARKSON

JULIUS RANDLE

KOBE BRYANT

LAKERS FIL-AM

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

STAPLES CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with