^

PM Sports

Perkins, Scherer pagpipilian ng Racal/Keramix sa D-League Draft

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa lamang kina Jason Perkins ng La Salle Green Archers at Fil-Ame­rican guard Avery Scherer ang hihirangin ng Racal/Keramix bilang No. 1 overall pick pa­ra sa 2015 PBA D-League Rookie Draft.

Kung hanap ng Racal/Keramix ang maaa­sahang sentro ay kuku­nin nila ang 6-foot-4 na si Perkins, ngunit lalakas na­man ang kanilang backcourt sakaling hu­gu­­­tin nila ang 6’2 na si Scherer.

“We need a big man,” sambit ni caoch Caloy Garcia sa posibleng pag­pili nila kay Perkins sa 2015 PBA D-League Rookie Draft ngayong ha­pon sa Metro Walk sa Pa­sig City.

Si Perkins, iginiya ang La Salle sa Final Four ng 78th UAAP men’s basketball tournament, ay isa lamang sa kabuuang record na 189 aspirante sa D-League Rookie Draft.

Ang AMA Computer naman ang hihirang sa No. 2 overall pick at na­banggit ni Mark Herrera si 6’6 Ateneo Blue Eagles center Alfonso Got­ladera.

“We are on the look-out for a big man who could take the place of (Dexter) Maiquez and pro­vide J.R. Taganas some help inside. Right now, our first option is Gotladera,” wika ni Her­rera.

Maaari din nilang ku­nin si Scherer kung hin­di ito haharbatin ng Racal/Keramix.

“But nothing is final yet. We’re also revie­wing the credentials of some Fil-foreign pla­yers,” dagdag ni Herrera.

Ang 29-anyos na si Sche­rer, pinamunuan ang Asean Basketball League sa assists at steals sa nakaraang sea­son, ay isa sa 22 Fil-fo­reign players na inaasahang mahuhugot sa first round.

Ayon kay Scherer, hin­di napili noong 2010 NBA Rookie Draft, pa­ngarap niyang makapag­laro sa PBA.

“My goal in life has always been to make the NBA and playing professionally in the Philippines is just one step closer,” sabi ni Scherer, produkto ng Shoreline Community College.

Ang mga players ay kailangang maglaro ng dalawang kompe­rensya sa D-League pa­ra mapasama sa PBA Rookie Draft.

Ang third pick ay pagmamay-ari ng Tanduay Light na susundan ng Foundation Cup champion na Café France at Wangs Bas­ket­ball.

Idedetermina sa ha­nay ng UP-QRS/Jam Liner, Mindanao Aguilas, National University at Phoenix Petrolium ang kukuha sa sixth hanggang ninth place sa pamamagitan ng lottery.

“This is a huge pool. Certainly, this is an encouraging development for the league and basketball in general,” sabi ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

“Who knows, maybe this batch could lead to new discoveries for future Gilas pools,” dagdag pa nito.

Ang iba pang maaa­ring makuha sa first round ay sina Von Rolfe Pessumal ng Ateneo, Ju­lian Sargent ng De La Salle at Fil-Canadian Tay­lor Witherell.

ACIRC

ALFONSO GOT

ANG

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

ATENEO BLUE EAGLES

AVERY SCHERER

CALOY GARCIA

KERAMIX

RACAL

SCHERER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with