Sixers nalasap ang record na 0-18 start
MEMPHIS, Tenn. – Muling nakalapit ang Philadelphia 76ers sa pagpigil sa kanilang kamalasan.
Ngunit hindi na naman nila ito nakumpleto.
Gumamit ang Memphis Grizzlies ng isang fourth-quarter rally para balikan ang Sixers at kunin ang 92-84 panalo.
Ipinatikim ng Grizzlies ang NBA-record na ika-18 sunod na kabiguan ng 76ers ngayong season.
Ang 0-18 start ng Philadelphia ang dumuplika sa nalasap ng New Jersey Nets noong 2009-2010 season.
Ito ang pang-28 sunod na kamalasan ng Sixers na pinakamahaba sa anumang apat na pangunahing United State sports.
“We did not want to be that team to (lose to the Sixers) because we’ll be in the history books for that reason,” sabi ni Memphis guard Mike Conley, pinamunuan ang Grizzlies sa kanyang 20 points. “The games are tough. You can only do wrong. They can do anything they want. They’re just trying to do whatever they can to win.”
Nagtala naman si Zach Randolph ng 17 points at 11 rebounds para sa Memphis, habang nagdagdag sina Matt Barnes at Jeff Green ng tig-13 points.
Ito ang pang-pitong panalo ng Grizzlies sa kanilang huling siyam na laro.
Pinamunuan naman ni Isaiah Canaan ang Sixers sa kanyang 16 points kasunod ang tig-12 nina Robert Covington at Hollis Thompson at 11 ni Jerami Grant.
Nagtala ang Memphis ng season-high na 26 turnovers at may 27 naman ang Philadelphia.
Kinuha ng Sixers ang 76-71 abante sa 7:38 minuto ng fourth period bago naghulog ang Grizzlies ng mapamuksang 15-1 bomba para agawin ang panalo.
- Latest