^

PM Sports

Ateneo Lady Eagles hahamunin ang NU Lady Bulldogs para sa UAAP title

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabagsak ng No. 4 Ate­neo Lady Eagles ang karibal na No. 2 La Salle Lady Archers, 62-50, para sa kanilang pang-limang pa­­nalo sa ‘do-or-die’ game at umabante sa finals ng 78th UAAP wo­­men’s basketball tourna­ment kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Humugot ang Lady Eagles, tinabunan ang ‘twice-to-beat’ disadvantage sa Lady Archers, ng 15 points kay Hazelle Yam  at 11 markers at 11 rebounds kay Danica Jo­se.

Lalabanan ng Ateneo ang nagrereynang Natio­nal University, may bitbit na ‘thrice-to-beat’ advantage dahil sa 14-game sweep sa elimination round, sa best-of-three championship series na magsisimula sa Miyer­kules sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Ito ang unang UAAP Fi­nals appearance ng La­dy Eagles matapos noong 2007 kung saan iginiya ni center Cassy Tioseco ang Ateneo sa korona.

Mula sa dikitang laro ay kumulapso ang La Salle sa gitna ng fourth quarter na sinamantala ng Ate­neo para sa kanilang mga fastbreak points.

Ang 20 turnovers ng Lady Archers ay gina­wang 18 points ng Lady Eagles.

Nauna nang tinalo ng Ateneo ang La Salle, 55-53, sa Game One ng ka­nilang semifinals duel.

Nagdagdag si Jolina Go ng 13 points para sa La­dy Eagles.

Umiskor naman si Camille Claro ng 13 points, ha­bang may 12 si Aracelia Abaca sa panig ng La Salle.

ATENEO 62 - Yam 15, Go 13, Jose 11, Tomita 9, Guytingco 7, Buendia 5, Javier 2, Aseron 0, Deacon 0, Newsome 0, Nitorreda 0.

La Salle 50 - Claro 13, Aba­ca 12, Vergara 8, Revillosa 4, Castillo 3, Ong 3, Pe­naranda 3, Dagdagan 2, Ro­xas 2, Vela 0.

Quarterscores: 15-12; 26-24; 38-38; 62-50.

ACIRC

ANG

ARACELIA ABACA

ATENEO

CAMILLE CLARO

CASSY TIOSECO

DANICA JO

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with