Mga katutubong laro bubuhayin ng Accel
MANILA, Philippines – Ibabalik ng Accel ang tradisyunal na laro ng mga Pinoy sa pamamagitan ng novelty project na ‘Laro Tayo.’
Hangad ng Accel na maibalik ang mga tradisyunal na laro kagaya ng tumbang preso, luksong kalabaw, patin-tero at larong tinik at ipakilala muli sa bagong henerasyon na abala ngayon sa internet at social media.
Pormal na ilulunsad ng nangungunang Filipino-owned sports apparel ang proyekto sa Nov. 30.
“Our kids spend most of their time tinkering with their gadgets or sitting inside an internet café for countless hours. They have less physical activities nowadays, so let’s bring back the popularity of our traditional games,” sabi ni Accel president Willie Ortiz sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
“Parents have to do something about this, dapat i-transfer natin ito sa mga bata. Nakakalimutan yung good games na laro noong araw, so we just want to stimulate yung mga laro natin noon,” dagdag pa nito.
Samantala, inilunsad din ng sports apparel ang Accel Quantum Plus na sesyon na inihahandog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.
Ang Quantum Plus ay isang scaler technology na tumututok sa high energy level ng isang atleta sa kabila ng matinding physical activity.
- Latest