Kahit may 2 bagong imports, ayaw pakasiguro ni Gorayeb
MANILA, Philippines – Sa tingin ni PLDT Home Ultera coach Roger Gorayeb ang pagkuha ng foreign imports ay di sisiguro ng kampeonato.
“Yes, it’s an advantage (having imports) because it gave us more options on offense and defense,” sabi ni Gorayeb patungkol sa dating US NCAA Division standouts na sina Victoria Hurtt at Sareea Freeman, na parehong ipinahinga sa 25-11, 25-17, 25-17 Final Four win kontra sa State U noong Linggo.
“But I don’t think it makes us a sure thing for a championship because it could backfire since we haven’t really trained together that much,” dagdag ni Gorayeb.
“Army is a very experienced team and they’ve been together for a long time now, which I think they will use against us,” ani Gorayeb sa Army na nanalo sa Navy, 25-16, 25-10, 25-22 sa semis.
Ang Lady Troopers ay kanabibilangan nina Tina Salak, Jovelyn Gonzaga, Aby Maraño, Honey Royse Tubino at Mary Remy Joy Palma.
Bukod kina Hurtt at Freeman, ang PLDT ay may ilang baguhang players sa kanilang team na kinabibilangan nina dating league MVP Aiza Pontillas at Janine Marciano na ngayong conference lamang pumasok sa team mula sa Cagayan Valley.
Hindi pa nakakalaro sa Ultrafast Hitters si Alyssa Valdez sa confe-rence na ito.
- Latest