Francisco bagsak kay Rigondeaux
MANILA, Philippines – Hindi sapat ang puso ni Filipino contender Drian “Gintong Kamao” Francisco para talunin ang isang dating world super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux.
Dinomina ng Cuban two-time Olympic Games golds medalist si Francisco via unanimous decision sa kanilang ten-round, non-title fight kahapon sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.
Nagtala si Rigondeux (16-0-0, 10 KOs) ng 100-90, 100-90 at 97-93 puntos para talunin si Francisco (28-4-1, 22 KO’s) at muling palakasin ang kanyang tsansang maghari sa super bantamweight class.
Halos isang linggo lamang pinaghandaan ng 33-anyos na si Francisco ang naturang laban, habang ito naman ang unang pagsabak ng 35-anyos na si Rigondeaux matapos mabakante ng 11 buwan.
Bilang pagpapakita ng kanyang pamatay na porma ay pinaulanan ni Rigondeaux ng 72 punches si Francisco na nakakonekta lang ng 42 punches sa loob ng 10 round.
Samantala, handa naman si dating world four division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire (35-3-0, 23 KO’s) na labanan si Rigondeaux sa isang rematch kung mabibigyan ng pagkakataon.
“Oh yes, definitely,” sabi ni Donaire, tinalo ni Rigondeaux noong 2013 via decision. “The thing is I go by what Sugar Ray Leonard said, ‘In order for you to convince me that you’re better than me, you gotta do it twice.”
Nakatakdang laba-nan ni Donaire si Cesar Juarez sa isang super bantamweight championship fight sa Disyembre 11 sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.
“I gotta get this belt and I want [Rigondeaux] to try to take it back,” ani Donaire. “You’ve only [beat me] once, so let’s see if you can do it twice. I’ll be waiting.”
- Latest