^

PM Sports

Sinolo ng SMB ang liderato

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang putback ni Arwind Santos mula sa mintis na jumper ni Marcio Lassiter ang naglusot sa nagdedepensang Beermen laban sa Energy, 106-105, para patuloy na pangunahan ang 2015 PBA Philippine Cup na nagpatuloy kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

“I knew from the start it would be a tough game, because I saw the body of language of Barako Bull, but one point is still a win, so tatanggapin ko ng buong puso ito,” wika ni coach Leo Austria sa pang-limang panalo ng San Miguel habang nalasap ng Barako Bull ang ikatlong kabiguan sa anim na laro.

Bago ang kabayanihan ni Santos ay nagsalpak muna si RR Garcia ng isang three-point shot para sa 105-104 bentahe ng Energy.

Tumapos si Santos, may iniindang calf injury, na may 15 points, 6 rebounds at 3 assists, habang humakot si 6-foot-10 back-to-back PBA MVP June Mar Fajardo ng 28 markers at 20 boards.

Nagdagdag si Ronald Tubid ng 16 points at may 12 si Alex Cabagnot at tig-11 sina Lassiter at Gabby Espinas.

Sa ikalawang laro, bumangon ang Barangay Ginebra mula sa eight-point deficit sa third period para resbakan ang Mahindra, 80-76, at ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Sinandigan ng Gin Kings sina Greg Slaughter, Joe Devance, Jervy Cruz at Sol Mercado sa fourth quarter para sa kanilang panalo.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ANG

ANTIPOLO CITY

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GABBY ESPINAS

GIN KINGS

GREG SLAUGHTER

JERVY CRUZ

JOE DEVANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with