^

PM Sports

Batang Pier at Texters makikisosyo sa liderato

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mula sa impresibo ni­­yang rookie season no­ong nakaraang taon ay ipi­­­nagpatuloy ni Stanley Pringle ang maganda niyang paglalaro.

Isinalpak ni Pringle ang game winning basket para igiya ang Globalport sa 113-111 panalo laban sa Rain or Shine noong Nobyembre 13 para sa ka­nilang ikatlong sunod na panalo sa 2015 PBA Phi­lip­pine Cup.

Tinapos ni Pringle ang laro bitbit ang 27 points, 8 rebounds at 6 assists.

“Exceptional lang talaga si Stanley kasi consistent sya since the start of the season,” sabi ni coach Pido Jarencio kay Pringle.

Sa naturang panalo ay nagdagdag si Terrence Romeo ng 25 points ka­sunod ang 21 markers ni Keith Jen­sen at 11 ni Joseph Yeo.

Target ang kanilang ika­apat na sunod na arang­kada, lalabanan ng Ba­tang Pier ang Alaska Aces ngayong alas-4:15 ng hapon sa pagbabalik ng 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay pupun­tiryahin din ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang kanilang pang-apat na di­kit na panalo sa pag­ha­rap sa NLEX Road War­riors.

Kasalukuyang magkakatabla ang Talk ‘N Text, Globalport, Alaska at Rain or Shine sa magkakatulad nilang 3-1 record sa ilalim ng 4-1 baraha ng nagdedepensang San Miguel.

Samantala. sinuspinde ni PBA Commissioner Chito Narvasa si Mahindra consultant Joe Lipa da­hil sa hindi nito pagpun­ta sa kanyang opisina.

Idinepensa ni Lipa si playing coach Manny Pacquiao sa naunang pa­hayag ni Narvasa na wa­lang panahon ang huli sa PBA.

vuukle comment

ACIRC

ALASKA ACES

ANG

COMMISSIONER CHITO NARVASA

GLOBALPORT

JOE LIPA

JOSEPH YEO

KEITH JEN

N TEXT

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with