5-sunod na panalo sa Spurs
SAN ANTONIO -- Dumiretso ang San Antonio Spurs sa kanilang pang-limang sunod na panalo matapos talunin ang Portland Trail Bla-zers, 93-80 tampok ang 19 points ni Kawhi Leonard at 17 ni Manu Ginobili.
Nagdagdag naman sina Danny Green at Boris Diaw ng tig-12 points, habang may tig-10 sina Tony Parker at Tim Duncan.
Pinamunuan ni Damian Lillard ang Blazers sa kanyang 27 points kasunod ang 17 ni Al-Farouq Aminu.
Hindi nakapaglaro sina Leonard at Ginobili kamakalawa at ang kanilang pagbabalik ang naging susi sa panalo ng Spurs.
Kapwa nagtala ang San Antonio at Portland ng season lows para sa puntos sa first half kung saan nagtala ang Trail Blazers ng 28 points na apat na puntos ang agwat sa Spurs para sa kanilang franchise low.
Sa Philadelphia, kumamada si Dirk Nowitzki ng 21 points, kabilang ang pito sa krusyal na bahagi ng fourth quarter, para igiya ang Dallas Mavericks sa 92-86 panalo laban sa 76ers.
Nagdagdag si Chandler Parsons ng 20 points para sa Mavericks.
Kumolekta si Jahlil Okafor ng 19 points at 11 rebounds sa panig ng 76ers, natalo sa lahat ng 11 games ngayong season at kabuuang 21 kamalasan mula noong nakaraang season.
Huling nanalo ang Phi-ladelphia noong March 25 laban sa Denver Nuggets.
Iniwanan ng Mave-ricks ang 76ers ng 19 points sa first half bago naagaw ang 82-81 bentahe sa huling 4 minuto mula sa free throw ni Nerlens Noel bago nagbida si Nowitzki para sa Dallas.
Sa Memphis Tenn., umiskor ang baguhang si Mario Chalmers ng 16 sa kanyang season-high na 29-puntos sa ikaapat na quarter at naging matatag ang Grizzlies sa huling bahagi ng labanan tungo sa panalo kontra sa Oklahoma City Thunder.
- Latest