^

PM Sports

Dagdag oportunidad sa mga atleta

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Ibinalita ng Philippine Sports Commission (PSC) na lalaki na ang kanilang budget para sa susunod na taon dahil madadagdagan na ang remittance ng Philippine Games and Amusement Corporation (PAGCOR).

Mula P40-P50 milyong kontribusyon ng PAGCOR, ito ay maaaring umabot na sa P70-P80 milyon kada-buwan.

Ang balitang ito ay inaasahang magbubukas ng oportunidad sa ibang atleta at kabataan na sa paniniwala ni Senator Chiz Escudero ay mag-aangat sa ating mga atleta at mag-aahon ng kasalukuyang antas ng sports dito sa bansa at maaaring maging daan sa katuparan ng pinapangarap nating gold medal mula sa Olympics.

Ayon kay Escudero, isa sa miyembro ng congress na nagsusulong sa pag-unlad ng sports programs at kapakanan ng mga atleta, ang recruitment ng mga batang atleta mula sa grassroots patungo sa elite sports ang magbubukas sa kanila ng oportunidad para magkaroon ng educational scholarships at posibilidad ng pagkakaroon ng magandang trabaho. Kung mas malaki ang kanilang kinikita o suweldo, mas magko-concentrate sila sa kanilang training para manalo sa mga international tournaments at ultimately ng mailap na Olympic gold medal.

“Sports, in many third world countries like the Philippines, have become a ticket out of poverty for a very few athletes, mostly those who have won in important international meets, like the Olympics and the world championships,” sabi ni Escudero. “Pero isa o kakaunti lang ang magiging Manny Pacquiao, Michael Jordan o Kobe Bryant. Marami pa ring atleta ang maiiwan, depende sa sports na pipiliin nila at sa dami ng corporate backers na maaring tumulong.”

Para kay Escudero, kailangang maglaan ng pondo para sa pag-aaral ng mga atleta at para na rin sa kanilang ibang pa-ngangailangan. Dapat na humanap ng partner na eskuwelahan ang PSC para makatapos ng pag-aaral ang mga atleta at magkaroon ng college degrees.”

“We are facing yet another chance at winning at least a medal in the 2016 Rio de Janeiro Olympics. And then in 2020 in Tokyo. But we should see new names to rise from the Palarong Pambansa, the Batang Pinoy and the various National Open competitions. The flow of new, younger talents could only happen if we could give these kids a better deal for their future.”

ACIRC

ANG

ATLETA

BATANG PINOY

JANEIRO OLYMPICS

KOBE BRYANT

MICHAEL JORDAN

NATIONAL OPEN

PALARONG PAMBANSA

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with